Thursday, May 20, 2010

Clearance signing

Di ko alam kung uso din ito sa ibang universities, pero grabe, pati sa pagkuha ng clearance nakaka-toxic din.

Kelangang may dala kang medyo malaki-laking pera (at nakahanda ang mga receipts) para kung sakaling may mga kailangan pang bayaran or whatever, eh ready ka at hindi mangarag. At tsaka wag kalimutan ang baon, sa init ng panahon ngayon ay hindi maiiwasang hindi ka mapabili ng coke o kahit anong pantawid-uhaw, or baka naman pagkain kung likas na sayo ang pagiging patay-gutom.

Tapos maliban sa pera, kelangan ding magbaon ng maraming tiyaga at pasensya. Lam mo na, kelangan nating maging boy scouts at girl scouts, baka may mangyaring di maganda eh. Yung iba pa naman prone sa pagiging bv.

Isa pang mahirap sa mga ganitong araw ay yung manghahagilap pa sa mga nawawalang professors at ibang mga taga-admin. Dalawa lang naman kasi ang ibig sabihin nun. It’s either super busy sila talaga or sadyang nagtatago lamang. Pero isa lang ang masasabi ko dyan, hindi na nila kelangang magtago pa dahil hindi naman tayo mga pamangkin nila. Gets? Ok. Nvm.

Pero syempre ang masaya tuwing clearance signing ay yung makita ang mga classmates, kaibigan, at mga kabarkada. Yung sabay-sabay kayo sa lahat ng bagay tapos maraming laughtrip, kakain ng sabay-sabay, then mauuwi ang lahat sa tambay o gimik. After all yun naman talaga ang pakay mo diba? :)

No comments:

Post a Comment